Liza, opisyal nang alaga ni James!

Liza, opisyal nang alaga ni James!

May 28, 2022 @ 9:19 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Sa darating na May 31 ang huling araw ng pagma-manage ni Ogie Diaz kay Liza Soberano.

Opisyal na kasing nasa kuwadra ni James Reid at ang team nito ang aktres.

Eleven years ding hinawakan ni Ogie ang karera ni Liza.

Ogie can only look back with gratitude sa mga taong hawak niya si Liza.

Dumating kasi si Liza sa buhay niya noong panahong kinailangan niyang tustusan ang bunsong anak who was born premature.

Kumbaga, ang mga kinita raw niya sa aktres ang nagtawid para malampasan niya ang malaking problemang ‘yon.

Hangad ni Ogie ang inner happiness na hinahanap ni Liza, most especially sa pangarap nitong ma-penetrate ang Hollhwood.

For the record, walang kontrata si Liza sa ABS- CBN o Star Cinema.

Takot daw kasi sa pandemya ang nanaig kung bakit bantulot si Liza na tumanggap ng offer mula sa home studio.

The same goes for her screen partner Enrique Gil.

Pero kung sakaling tatanggap man si Liza, si James na ang makikipag-usap sa partidong interesado sa serbisyo ng aktres. Ronnie Carrasco III