Liza, pinakiusapang manahimik na!

Liza, pinakiusapang manahimik na!

March 14, 2023 @ 9:18 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – It is hoped that after Boy Abunda’s second part interview with Liza Soberano on Fast Talk nitong Lunes ay hindi na muling magsasalita pa ang aktres.

Ito ang ipinagdarasal ng dating manager ni Liza na si Ogie Diaz, ayon sa latest episode ng kanilang online show na Ichika Mo Na, Dali!

Kasama si Mama Loi at dalawa pang hosts, umaasa si Ogie na huminto na sana ang 25 anyos na aktres sa pagsasalita.

“The more na nagsasalita kasi si Liza, the more na naba-bash lang siya. Siyempre, bilang ‘tatay’ niya, ako ang nasasaktan para sa kanya,” katwiran ni Ogie.

Nilinaw rin niya na kung may pagkukulang man si Liza sa kanya ay hindi nito kailangang mag-apologize sa kanya.

Ani Ogie, kung napapansin daw ni Liza, ni minsan daw ay hindi kinontra ni Ogie ang narrative ng dating talent.

Kung ‘yun daw ang paniniwala ni Liza, so be it pero hindi na raw kailangan pa ni Ogie na sumalungat sa bersyon ni Liza.

Naiintindihan daw niya ang damdamin nito.

Paglilinaw pa ni Ogie, kung nakapagsalita man daw siya’y inilabas lang niya ang kanyang damdamin kung paanong ‘yun din naman ang ginawa ni Liza.

Marami naman ang naghihimok kay Ogie na bakit hindi naman siya ang mag-interview kay Liza?

Ayon kay Ogie, Liza finds it awkward na mainterbyu ng dating manager dahil ang tingin ng aktres sa kanya ay bilang manager.

Pinaksa rin ang pananahimik ng real-life boyfriend ni Liza na si Enrique Gil sa gitna ng inaabot na pamba-bash kay Liza.

Tahimik man daw si Quen (palayaw ni Enrique) ay hindi raw nangangahulugang hindi ito concerned sa pinagdadaanan ni Liza.

One good thing about it ay nang pasalamatan ni Liza si Enrique as among those who helped her through her career, na sa This is Me vlog ng aktres ay nakaligtaan niyang pasalamatan ang ilang mahahalagang tao to whom she owes her success.

Samantala, may panawagan naman ang Star Magic head na si Lauren Dyogi na mag-move on na ang lahat.

Hopefully, naihinga nang lahat ni Liza ang kanyang saloobin sa two-part interview sa kanya ni Boy.

As in case closed. Ronnie Carrasco III