Liza, sa Amerika na titira; LizQuen, mabubuwag na!

Liza, sa Amerika na titira; LizQuen, mabubuwag na!

January 18, 2023 @ 4:30 PM 2 weeks ago


Los Angeles, USA – Rebranding ang layunin ni Liza Soberano kaya napagdesisyunan na niyang manirahan sa Los Angeles, USA.

Ito ang kinumpirma ng aktres sa vlog interview ng Filipino-American makeup artist na si Patrick Starr.

Determinado talaga si Liza in pursuing her Hollywood dream.

Mas may advantage daw kasi kung nakabase siya roon sa halip na manatili dito sa bansa.

Hindi naman daw uubra palagi na present lang siya sa mga Zoom meetings.

Paano raw malalaman ng mga interested parties sa kanya tulad ng producer kung ano talaga ang itsura niya in person?

While running after her dream ay nagte-training daw siya tulad ng pagkuha ng voice lessons.

Aside from acting, nakatutok din daw siya sa kanyang musika at singing career.

By rebranding, nangangahulugan ding huhulagpos na siya being identified with a loveteam.

For the longest time nga nama’y nakilala siya bilang katambal ni Enrique Gil, her reel and real- life boyfriend.

“I want to be my own person,” paglilinaw ni Liza.

Suportado naman si Liza ng kanyang mga local fans if only for her passion and drive to make it to Hollywood kahit sikat siya rito sa atin.

‘Yun nga lang, marami rin ang malulungkot dahil nagbabadya ang pagkabuwag ng LizQuen.

This explains kung bakit bihira nang magpost si Liza ng pictures or anything about Enrique.

So, is it goodbye Enrique…hello Hollywood?

As the line of a Barbra Streisand goes: some good things never last. Ronnie Carrasco III