Liza Soberano, binanatan ang poster ng pelikulang ‘Tililing’!

Liza Soberano, binanatan ang poster ng pelikulang ‘Tililing’!

February 8, 2021 @ 5:35 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Tahasang ibinahagi ni Liza Soberano ang kanyang pagkadismaya sa movie poster ng “Tililing” mula sa direksyon ni Daryll Yap. Ito ang nilalaman ng kanyang post nitong February 8.

 

Tampok dito sina Gina Pareno, Baron Geisler, Candy Pangilinan at marami pang iba.

 

Katwiran ni Liza, hindi dapat ginagawang biro ang mental health, “Stop the stigma.”

 

Wari’y napaka-insensitive daw ng pelikula gayong dapat ay ikalat ang mental health awareness.

 

Bagamat nakahanap ng mga kakampi si Liza sa kanyang comment/post, may ilan din ang nagsasabing gumawa sana siya ng pelikula ukol sa paksa. Magiging “groundbreaking” daw ito.

 

May ilan ding nagsasabing huwag agad husgahan ang pelikula hangga’t hindi pa naipapalabas. Baka naman daw may redeeming value ito sa kabuuan. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •