Liza Soberano, bumuwelta sa red-tagger!

Liza Soberano, bumuwelta sa red-tagger!

October 22, 2020 @ 7:27 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pagkatapos mag-trend sa soc med at sa internet world ang statement ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) official na si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na binabalaan ang aktres na si Liza Soberano ay agad ding nag-isyu ng statement ang lawyer ng aktres.

For the record ay pinag-ingat ni Parlade si Liza sa pakikipag-alyansa sa mga makakaliwang grupo at baka sapitin daw nito ang mga nangyari sa ibang kabataang naging komyunista.

Ayon naman sa legal counsel ng aktres na si Atty. Juanito Lim Jr., ini-express lang daw ng kanyang kliyente ang pagrespeto nito sa mga kababaihan at sa kabataan nang nagsalita ito sa isang virtual event ng Gabriela Youth.

“Ms. Soberano remains to be apolitical. She does not support nor antagonize any person’s political views. The important point here is respect for others, a virtue she has conscientiously practiced all her life.

“We, thus, call on everyone concerned to be circumspect in associating our client with their respective politics beliefs, whatever it may be,” sabi pa ng lawyer ni Liza. JP Ignacio


  •  
  •  
  •  

Loading...