LJ, nagkwento sa pagse-celebrate sa malamig na Pasko!

LJ, nagkwento sa pagse-celebrate sa malamig na Pasko!

December 16, 2021 @ 2:40 PM 9 months ago


Manila, Philippines – Sa darating na Kapaskuhan ay first time na magseselebreyt si LJ Reyes na hindi kasama ang kayang dating partner na si Paolo Contis. Marami ngayon sa mga followers ni LJ ang intresadong malaman kung ano na ang magiging kalagayan niya at ng mga anak lalo’t sa Amerika na sila magdadaos ng Christmas na hindi kasama ang dating partner na si Paolo.

Magiging malamig ba ang Pasko ngayon ni LJ,  lalo’t nagsisimula nang umulan ng niyebe sa States?

“I didn’t realized it’s December already! We just got our tree and seeing all the lights and decors in the shop are wonderful and got me so excited and all giddy!”

What makes you excited about Christmas? “As for myself, I think God’s salvation and redemption have never been more emphasized in our life this year. So I am very excited to just really worship Him from here on! Not just with songs and praises, but with the gift of life that God has given me!

“Can’t wait to celebrate Jesus with a renewed heart not just on Christmas day, but every single day of my life!” ang say ni LJ. Wally Peralta