LJ RUSSELL,  CHINITO PRINCE NG INDIE SERIES

LJ RUSSELL,  CHINITO PRINCE NG INDIE SERIES

September 3, 2022 @ 6:55 PM 4 weeks ago


TINAGURIANG ‘Chinito Prince’ ng Pinoy BL Series si LJ Russell Ellasus Tadena a.k.a LJ Russell. Nakilala siya sa Pinoy BL Series na “Stranger’s Kiss” at mas lalong kinakiligan ng netizens sa series na “My Chinito Prince.”

Isinilang siya noong Nobyembre 21, 2000 ng kanyang mga magulang na sina  May Karen Tadena at  Russell Tadena. Pangalawa siya sa tatlong makakapatid na sina Fritz Anne Margarette at Niccolo.

Nag-aral ng elementary sa Gabaldon Elementary School, Candon West Elementary School at Victoria West Elementary School habang sa Reiland Christian School Inc. at San Jacinto National High School naman ng highschool.

Nag-college sa Centro Escolar University at Wesleyan University sa kursong BS Nursing.

Nagsimula ang career ni LJ Russell sa pag-aartista sa MLV Production noong January 2021 sa unang labas niya sa Stranger’s Kiss na sinundan ng My Chinito Prince.

Napasama rin siya sa ibang project series kagaya ng “He’s Mine” ng RAP Production at The Royal Empire Entertainment Production at ngayon ay inaabangan din siya sa 1st Pinoy BL / Action series na”Mystery of Love” ng RAP Production, Dream Vision Entertainment at AEO Production.

Naitanong ko sa kanya kung ano pa ang kanyang pangarap, “Ang makapagtapos po ng pag aaral at magkaroon ng marangal na trabaho and of course marami pa po sanang dumating na projects Paps Rex.”

Message mo Paps LJ Russell sa iyong  fans?

“Maraming-maraming salamat po sa suporta ninyo, sobra ko po kayong naa-appreciate. Kung wala po kayo ay wala rin ako sa tinutungtungan ko ngayon, kaya maraming salamat po sa inyo, mahal ko kayong lahat,”  ang sagot niya.

“Kayo rin po Paps Rex kahit hindi ko po kayo ganoon  kakilala noong una pero nakikita at nararamdaman ko po ang suporta ninyo sa akin. Hindi lang sa akin kundi sa buong RAP Production lalong-lalo na noong nasa taping po kami sa Indang, Cavite napaka-hospitable ninyo Paps Rex. Maraming salamat po sa inyo,”  ang huling mensahe niya sa aking maikling panayam.

Batid kong malayo pa ang mararating ng tinaguriang Chinito Prince ng Pinoy BL Series na si LJ Russell.