Llorente, Eastern Samar isinailalim sa state of calamity sa baha

Llorente, Eastern Samar isinailalim sa state of calamity sa baha

December 27, 2022 @ 11:20 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nag-anunsyo na ng state of calamity sa bayan ng Llorente, Eastern Samar dahil sa malawakang pagbaha dulot ng malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan mula pa noong bisperas ng Pasko.

“Llorente was flooded… at saka ‘yung mga constituents dun was really affected kaya the LGU (local government unit) of Llorente decided to declare a state of calamity,” pahayag ni Eastern Samar Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head Ma. Josefina Titong sa panayam ng ANC nitong Martes, Disyembre 27.

Ang malakas na ulan ay dulot ng shear line na nagpabaha sa halos lahat ng mga bayan sa Eastern Samar.

“‘Yung mga previous records namin is from light to moderate to heavy. Ngayon, heavy to intense all night kaya no wonder nagkaroon ng baha,” ani Titong.

Sa kasalukuyan ay wala pang naitatalang nasawi ngunit mayroong apat katao na iniulat na nawawala.

Inaasahang magsasagawa ng rapid damage assessment ang mga disaster management officials upang matukoy ang pinsala dulot ng baha. RNT/JGC