Lloydie at Isabel, nag-date!

Lloydie at Isabel, nag-date!

December 14, 2021 @ 2:43 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Super inspired ngayon si John LLoyd Cruz pagdating sa kanyang showbiz career at personal na buhay. Masaya si Lloydie lalo pa nga’t tinatangkilik ng masang Pinoy ang bago niyang commercial kasama si Bea Alonzo. At gayun din sa kanyang pagbabalik telebisyon sa pamamagitan ng isang weekly comedy show na ‘ToGetHer’ o na mapapanood na sa GMA7 sa pagpasok ng bagong taon.

Marami-rami na rin silang natapos na episode at mukhang tatagal sa ere ang bagong show ni JLC dahil ngayon palang ay pinaghahandaan na ang season 2 nito.

Kung ang dati niyang girlfriend na si Ellen Adarna ay kasal na kay Derik Ramsya, si JLC naman ay unti-unti nang ipinapakita sa madla ang bagong babaeng nagbibigay inspirasyon sa kanya sa ngayon, si Isabel Santos. Non-showbiz girl at isang baguhang painter.

Ang lolo ni Isabel ay isang National Artist at magaling na painter ng bansa na si Mauro Malang Santos. Isa raw si Isabel sa rason kung bakit nahihilig ngayon si Lloydie bumili ng mga paintings at madalas siyang makita sa tahanan ng dalaga.

Mas lalong tumibay ang tsika kay John Lloyd at kay Isabel nang ginawang date ng aktor ang girl sa nakaraang Christmas party ng kanyang management agency, ang Crown Artis Management. Ipinakilala na diumano ni Lloydie ang ka-date bilang bagong inspirasyon niya sa buhay. Wally Peralta