Lloydie, balik-linis ang itsura!

Lloydie, balik-linis ang itsura!

June 24, 2022 @ 7:28 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Salamat kay Carmi Martin, siya kasi ang nag-upload ng photo nila ni John Lloyd Cruz na kuha sa sitcom na Happy Together.

Complete turnaround nga ang itsura ng aktor na clean cut na ngayon.

Goodbye na rin sa kanyang balbas na lalong nagpatanda sa itsura niya.

Medyo nag-gain din siya ng weight ngayon.

Malayung-malayo ito sa itsura niya kamakailan na naiulat pa namin dito sa Remate Online.

Spotted kasi si Lloydie sa isang art museum sa Antipolo.

Nakasuot siya ng face mask kaya hindi agad makikilala.

Bale ba, tumanda ang itsura niya.

Sasabihin mo ngang pinabayaan na niya ang kanyang sarili.

Ni hindi mo nga mababanaag ang dati niyang matinee idol look.

Inisnab-isnab tuloy siya ng mga taong nakasabay niya sa art museum.

Kung hindi pa raw siya nilapitan ng isang female fan para magpakuha ng litrato, hindi pa siya makikilala.

At least ngayon, nagkaroon na siya ng new, improved look! Ronnie Carrasco III