Lloydie-Bea serye sa GMA, tuloy na; working title, secret pa!

Lloydie-Bea serye sa GMA, tuloy na; working title, secret pa!

June 20, 2022 @ 7:50 PM 6 days ago


Manila, Philippines – The long wait is over.

Sa wakas ay kasado na ang teleseryeng magtatampok kina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa GMA.

Matatandaang nito lang ay napabalitang sa rami ng mga ipinitch na materyal kay Lloydie ay wala siyang napusuan.

Pero may nakapila na raw, and this looks like the one which has caught his interest the most.

As it is now, respectively ay busy pa ang dalawa: si John Lloyd with Happy ToGether, si Bea sa Start-up with Alden Richards.

Kaso, mukhang matatagalan pa raw simulan ang JLC- Bea project dahil sa ilang concerns.

Hindi pa rin inire-release ng GMA kahit working title nito.

But for sure daw, ibang screen partnership ito na malayo sa tema ng mga nagawa na nila together in the past.

Kung susumahin, napakatagal na nito bago mag-materialize.

Kelan pa lumipat sina Lloydie at Bea sa GMA?

Samantala, inaasahan na magkakaroon ng announcement ang GMA tungkol dito as it notches its 75th anniversary via an old Hollywood- themed thanksgiving gala on July 30 at Shangri-La The Fort.

We can’t wait to hear the good news! Ronnie Carrasco III