Lloydie, nag-ampon ng asong gala, inihian!

Lloydie, nag-ampon ng asong gala, inihian!

March 11, 2023 @ 5:03 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Truly a dog lover!

Ito ang kahanga-hangang paglalarawan kay John Lloyd Cruz na nagsadya sa Strays Worth Saving o SWS sa hangaring mag-ampon ng mga nailigtas na galang aso.

Ibinahagi mismo ng pamunuan ng SWS that the actor went there to adopt its rescued dogs.

Dumating ang aktor kasama ang napapabalitang nobya niyang si Isabel Santos.

Sabi ng SWS, “There can never be a better way to adopt our rescued dogs than to see the candidates themselves.”

Bagama’t hindi na ipinakita ng SWS kung aling rescued dog ang inampon at iniuwi ni John Lloyd, maraming netizens ang humanga sa kanya for his love for animals.

Proof nga na kinagigiliwan ng aktor ang mga rescued dogs na ‘yon ay nang kargahin niya ang isa sa mga roon named Rain.

Palibhasa’y wala namang pag-iisip ng tulad sa tao ay napaihi si Rain sa mismong damit ni Lloydie!

Pero sa halip na mainis, pinuri pa siya ng taga-SWS: “One of the rescued dogs peed on his clothes yet John Lloyd even gamely posed for a picture with Rain!”

Napakasuwerte raw kung alin man sa mga nailigtas na stray dog ang in-adopt ni John Lloyd dahil ayon sa SWS, tiyak nilang nasa mabuting kamay ito.

Ilan lang ang aktor sa mga celebrities na mahilig at maalaga sa mga pet animals.

Top on the list nga ay si Sharon Cuneta na nag-ampon din ng asong gala na namataan niya sa set ng ginagawang pelikula.

Kabilang din si Heart Evangelista na may alagang aspin o asong Pinoy.

Kaya kung mapagmahal sila sa mga hayop, sa tao pa kaya? Ronnie Carrasco III