LOAN SHARKS MATUTULDUKAN NA

LOAN SHARKS MATUTULDUKAN NA

March 23, 2022 @ 11:02 AM 3 months ago


TAPOS na ang maliligayang araw ng mga buwayang lending at financing company na nagpapautang sa taumbayan na may nakalulula sa taas na porsyento.

Sila ‘yung mga indibidwal at kompanyang nagkamal ng milyones mula sa ibinabayad na naglalakihang porsyent   ng pagsasamantala ng loan sharks kapag nasa kagipitan.

Ang mga animal na ito ang madalas ireklamo ng sambayanan na pumapatong ng 10 porsyento sa mga nangungutang subalit wala namang ligal na dokumento sa kanilang negosyo bunsod sa kaibigan, kakilala at kamag-anak ng Mayor sa mga lalawigan at bayan kaya naman malaya silang nagpapasasa sa kakarampot na kinikita ng mamamayang napupunta lang sa hindi makatarungang bayarin nito.

Bukod pa riyan ang halos 10 porsyento rin na penalty na ipinapataw ng mga kumag na kadalasan ay hindi nakababayad, lalo na noong kasagsagan ng pandemyang bangkarote ang lahat at umasa na lang sa maliit na ayudang ibinibigay ng gobyerno.

Ngayon, sa ilalim ng bagong Memorandum Circular# 3 series of 2022 ng Securities and Exchange Commission na ipinatupad nitong Marso 2,2022 kung saan kaakibat sa mga panuntunan ng Bangko Sentral ng Pilipinas Circular# 1133 series of 2021, itinakda nito ang 6 posyento na lang ang kinakailangang ipataw ng mga lending company sa mga parokyano nila kasabay ang 5 porsyentong penalty kada buwan kapag hindi nakababayad ang mga ito.

Ibig sabihin, bilang na rin ang araw ng ilang bangkong napakataas ng penalty at surcharges na sinisingil mula sa costumers nitong kakanselahin ng gobyerno ang lisensya bilang financing at lending company kapag 3 beses na lumabag sa bagong patakaran.

Subalit kung seryoso talaga ang SEC na matuldukan ang paglipana ng mga buwayang matagal nang nagpapahirap sa taumbayan.

Kailangang silipin nito ang lending companies sa mga probinsyang ginagawang kolektor ang mga piskalya’t korteng agarang hinahatak ang mga ari-ariang ipinundar ng ordinaryong mamamayang dugo’t pawis ang puhunang mawawalang parang bula dahil hindi nakabayad ng utang na may kaakibat na mala- higanteng porsyento.

Kunsabagay, kung hindi malalang karamdaman, kamalasan sa pamilya na ang tumama sa mga buwayang itong karamihan ay hindi pa rin tinatalaban ng kanilang panunuba sa sambayanan.