Loan sharks utak sa likod ng ‘utang tagging’ vs teachers – ACT Teachers

Loan sharks utak sa likod ng ‘utang tagging’ vs teachers – ACT Teachers

September 12, 2022 @ 1:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Itinuturong utak sa likod ng ‘utang tagging’ scheme ang mga loan sharks na bumibiktima sa mga guro na hindi makapagbayad ng kanilang mga utang.

Ito ay makaraang lumabas ang isyu ng ‘utang tagging’ o mga pagkakataon na hindi makapagrenew ng kanilang lisensya ang mga guro dahil sila ay mayroon pa umanong utang.

Ayon kay ACT Teachers Partylist Representative France Castro, non-government loans o mga utang sa ‘5-6’ ang tinutukoy na pagkakautang ng mga guro na nagiging dahilan umano upang mahirapan ang ilan na makapag-renew ng lisensya.

“Hindi ito accredited sa DepEd, mga loan sharks ito,” ani Castro.

Nilinaw naman niya na hindi dapat ito maging basehan sa pagrenew ng lisensya mula sa Professional Regulation Commission dahil ito ay hindi naman utang mula sa gobyerno.

“Hindi ko lang alam kung may kakuntsaba ang loan shark na ito sa PRC, kaya bakit nakakarating ang ganung mga ulat sa PRC,” dagdag pa niya.

Binuksan na ni Castro ang isyu ng ‘utang tagging’ kasabay ng deliberasyon ng Kongreso para sa 2023 proposed budget ng DOLE.

“Isang taon ko nang kinakausap ang PRC, pero patuloy pa rin silang nagta-tag. Kaya napilitan na ako na isiwalat ito, dahil hindi sila gumagawa ng ano, hindi sila nagbabago.” RNT/JGC