Local armed conflict wawakasa sa termino ni PDu30 – AFP chief

Local armed conflict wawakasa sa termino ni PDu30 – AFP chief

January 28, 2022 @ 8:41 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inatasan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief, Gen. Andres Centino, ang military commanders na wakasan ang lahat ng local communist insurgency threat bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo.

“As your Chief of Staff, I am taking the lead in this final push of our campaign. I enjoin everyone to maintain our momentum, sustain our gains, and remain victorious. Let us finish the local armed conflict within the President’s term. As the Armed Forces of the Filipino people, we shall not fail them in their desire of having a peaceful and secure society,” ani Centino

Inatasan din ni Centino ang lahat ng AFP commanders na palakasin ang kanilang operasyon para mapulbos ang natitirang local threat groups sa pamamagitan ng intelligence-driven combat operations.

Partikular na inatas niya ang muling pagpapadala ng pwersa ng kasundaluhan sa mga lugar kung saan nagkukuta ang mga komunista, maglunsad ng mga pag-atake, putulin ang kanilang pinagkukunan ng pondo at kagamitan, at tugisin ang kanilang mga lider.

Ipinagmalaki naman ni Centino ang naging tagumpay ng AFP sa 2021 kung saan nagawang mapatay ng kasundaluhan ang 43 top New People’s Army (NPA) leaders at Communist Party of the Philippines (CPP) Central Committee members.

Kabilang dito sina Jorge Madlos, Menandro Villanueva, Pedro Codaste, Eddie Genelsa, at Maria Loida Tuso Magpatoc – pawang mga miyemrbo umano ng CPP Politburo Committee.

Dagdag pa rito ang pagkakalusaw ng 10 CPP-NPA guerilla fronts habang nasa 3,000 party at underground organization members at supporters ang tumalikod na sa CPP at sa National Democratic Front.

Sumuko rin ang nasa144 miyembro ng Abu Sayyaf Group, 41 miyembro ng Dawlah Islamiya, at 249 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. RNT