Local transmission ng COVID-19 Delta variant, posibleng nangyayari na – DOH adviser

Local transmission ng COVID-19 Delta variant, posibleng nangyayari na – DOH adviser

July 22, 2021 @ 10:29 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Posible nang nangyayari sa bansa ang local transmission o lokal na pagkalat ng Delta variant ng COVID-19, ayon sa miyembro vaccine expert panel ng bansa.

Sa ngayon, ayon sa Department of Health (DOH) na may 35 Delta variant cases pa lang ang naitatala sa bansa, walo ang nananatiling positbo.

Sa kabila ng pagkakatala ng 11 local cases ay hindi naman direktang sinabi ng DOH na may local transmission ng ng Delta variant.

“I would speculate na base on the cases na na-document ng Philippine Genome Center, may mga cases na hindi related sa returning OFWs,” ani Dr. Rontgene Solante, head ng adult infectious diseases department sa San Lazaro Hospital.

“With that demograph, mukhang mayroong local transmission ang Delta variant,” ani Solante sa PTV.

Nauna nang itinanggi ng DOH na mayroon nang local transmission ng Delta variant sa bansa, at sinabing “sporadic” lang ito, ani DOH Epidemiology Bureau Dir. Alethea De Guzman.

“It is sporadic in some of the areas. Ini-investigate pa natin kung may linkage na sila sa isa’t isa at saan nila nakuha itong Delta variant na ito,” ani De Guzman. RNT


  •  
  •  
  •