Local vax production isinusulong ng DOST

Local vax production isinusulong ng DOST

February 2, 2022 @ 6:03 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Isinusulong ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagsasagawa ng sariling research at development sa mga bakuna laban sa COVID.

Sa Laging Handa briefing, ipinahayag ni DOST Secretary Fortunato “Boy” de la Peña ang kanyang suporta sa pagtatatag ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VIP).

“Napakalaki na ng ating populasyon… Marami na ulit ang mga bakunang kailangan natin, hindi lang itong COVID-19 vaccine ang ating iniisip. Kahit itong COVID ay from [maging] endemic from pandemic category ay kakailanganin pa rin natin ng mga bakuna para rin yung bakuna natin sa flu na inuulit-ulit,” ani de la Peña.

“Titingnan nito ang iba’t ibang viruses regardless of origin. Alalahanin natin na ang virus ay umaatake sa halaman, hayop, at sa mga tao. At may mga pagkakatakot na ito ay lumilipat mula hayop sa tao.”

“Kailangan din natin ng mga serbisyo na technical service at tsaka yung tinatawag nating technology transfer activities kaya itong mga laboratory na aming ipino-propose, technical facilities, pati na rin yung training ay ilalagay natin dun sa Virology and Vaccine Institute both for human, plants, and animal virology,” dagdag pa nito.

Maaalalang noong 2021, hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na magpatuapd ng batas na magtatatag sa enact Center for Disease Prevention and Control at Virology and Vaccine Institute of the Philippines. RNT/FGDC