Localized storm makaaapekto sa bansa

Localized storm makaaapekto sa bansa

September 30, 2021 @ 6:26 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Patuloy na makararanas ng mga pag-ulan at maulap na kalangitan ang Metro Manila maging ang nalalabing bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorm.

Habang ang trough naman ng bagyong Mindulle ay makaaapekto sa silangang bahagi ng hilagang Luzon.

Nagbabala naman ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa kasagsagan ng buhos ng ulan, kulog, at kidlat.

Sumikat ang araw kaninang 5:46 a.m. at lulubog mamayang 5:46 p.m. RNT/FGDC