Localized thunderstorms magpapaulan sa NCR, iba pang lugar

Localized thunderstorms magpapaulan sa NCR, iba pang lugar

August 20, 2022 @ 8:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kaninang alas-3 ng madaling araw, ang Low Pressure Area (LPA) ay tinatayang 930 kilometro silangan ng central Luzon but subalit ang epekto ng localized thunderstorms ay inaasahang magpapaulan sa bahagi ng bansa, base sa PAGASA.

Magiging bahagyang maulap ang kalangitan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng banasa na sasabayan ng isolated rain showers o thunderstorms dulot ng localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Luzon ay light to moderate patungong east to southeast direction habanag ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Makararanas naman sa natitirang bahagi ng bansa ng light to moderate wind speed patungong southeast to southwest direction habang ang coastal waters ay mananatiling slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:43 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:16 ng hapon. RNT/SA