Lockdown sa NAPOLCOM Center extended hanggang July 17

Lockdown sa NAPOLCOM Center extended hanggang July 17

July 12, 2020 @ 3:02 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinalawig pa ng isang linggo ang lockdown sa Department of the Interior and Local Government-National Police Commission (DILG-NAPOLCOM) Center sa Quezon City.

Sa pahayag ng NAPOLCOM, isang empleyado mula sa central office ang nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19.

“Therefore, the NAPOLCOM Office, located at EDSA corner Quezon Avenue, West Triangle, Quezon City will be closed to the public for another week from July 13 to July 17,” saad sa kalatas.

Ang naturang pagpapalawig ay para mabawasan ang physical interaction at makapagsagawa pa ng contact-tracing activity.

Maaalalang noong July 5, inanunsyo ng NAPOLCOM ang lockdown mula July 6 hanggang July 12 makaraang magpositibo si DILG Undersecretary Epimaco Densing III sa COVID-19.

“No other transactions shall be entertained from July 13 – 17, 2020.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...