Locsin biyaheng US na para sa US-Asean summit

Locsin biyaheng US na para sa US-Asean summit

May 10, 2022 @ 6:35 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Umalis na si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa Manila para sa inaabangang United States-Association of Southeast Asian Nations (Asean) Special Summit sa Washington D.C. mula Mayo 12 hanggang 13.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sa partisipasyon ng Pilipinas sa summit, makikita ang pagsisikap nito na makipagtulungan sa Southeast Asian neighbors at sa Estados Unidos para sa sustainable post-pandemic recovery at kapayapaan.

Inaasahang makakasama ni Locsin ang Asean leaders sa iba’t ibang mga aktibidad na inorganisa ni President Joseph Biden, Jr. at iba pang US government officials sa two-day summit na naglalayong pagtibayin ang Asean-US cooperation. RNT/SA