Locsin itinalagang UK, Ireland envoy

Locsin itinalagang UK, Ireland envoy

September 4, 2022 @ 4:35 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to the United Kingdom of Great Britain at Northern Ireland.

Sa katunayan, ipinalabas ng Malakanyang ang kopya ng appointment paper ni Locsin.

β€œWe confirm the appointment of Teodoro Lopez Locsin Jr. as the Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to the United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland. He was formerly Secretary of Foreign Affairs,” ang nakasaad sa kalatas na ipinalabas ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

“Locsin will have concurrent jurisdiction over Ireland, Isle of Man, Bailiwick of Jersey, and Bailiwick of Guernsey,” ang nakasaad sa kanyang appointment paper na may petsang Agosto 30.

Mayroon din siyang sahod at emoluments ng Chief of Mission, Class I.

Matatandaang, sa ilalim ng termino ni Locsin bilang Kalihim ng DFA chief, isinulong nito ang independent foreign policy ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Nauna rito, ipinagmalaki naman ni Locsin na iniwan niya ang kanyang departamento na maraming accomplishments sa larangan ng diplomasya. Kris Jose