Locsin kinatawan ng Pinas sa G7-Asean meet

Locsin kinatawan ng Pinas sa G7-Asean meet

December 10, 2021 @ 6:24 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Dadalo si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa G7-Asean Foreign and Development Ministers’ Meeting sa Liverpool, United Kingdom, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes.

Imbitado sa naturang pagpupulong ng G7 ang Association of Southeast Asian Nations (Asean), kasama ang Australia, India, at Republic of Korea, na gaganapin sa Linggo.

Base sa DFA, makikipagtalakayan si Locsin sa mga ministers mula sa G7 countries at iba pa patungkol sa mga bakuna at global health security, imprastraktura, teknolohiya, gender equality, seguridad, at iba pang regional at global issues na kinakaharap ng mga bansa.

Ito ang unang gawain sa pagitan ng Asean at ng G7 sa foreign ministers’ level.

Kabilang sa Group of 7 o G7 ang UK, United States, Canada, Japan, Germany, France, at Italy.

Ang UK, na naging dialogue partner ng Asean noong 2021, ang host ng pagpupulong, at presidente ng G7 sa taong ito. RNT/SA