Locsin sa nawalang murang 50M hiringgilya: We drop the ball again

Locsin sa nawalang murang 50M hiringgilya: We drop the ball again

December 13, 2021 @ 7:33 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – “We dropped the ball again; this time offer of 50 million syringes.”

Ito ang nakasaad sa Tweet at muking isiniwalat ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. nitong Sabado ukol sa pinakawalan ng Pilipinas na tiyansa na makabili ng 50 milyong hiringgilya mula sa Estados Unidos.

Giit paa niya, tumanggi ang pamahalaan na talakayin ito.

“Discussed the need in Washington DC and got a response prepared to go into details with PH agencies but they refused to discuss the ball let alone catch it. First Pfizer, then Moderna. Ok, I see the pattern,” dagdag pa ng opsiyal.

Sa pagsisiwalat pa ni Locsin, pinabayaan umano ng DOH na makabili ang Pilipinas ng napakababang halaga ng hiringgilya para sa Pfizer.

“Far as I’m concerned it’s finished; but if you want a fight, Ph DOH’s offer of 4.7 cents a syringe is hallucinatory; no one on the planet makes special PFIZER LOW DEAD VOLUME SYRINGES that cheap; 7 cents is the absolute lowest. UNICEF pays double. Make all purchases public,” giit pa ni Locsin.

Nauna nang sabihin ni Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center chairperson Myrna Cabotaje na mayroong sapat na suplay ng hiringgilya para ssa coronavirus disease (COVID-19) vaccines hanggang matapos ang taon, at sinabing nagsimula nang dumating sa bansa ang mga hiringgilya na binili ng pamahalaan mula sa United Nations Children’s Fund.

Nasa 44 milyong hiringgilya ang ini-order tatlong buwan na ang nakalilipas, ngunit sa first tranche na apat na milyong, dalawang milyon lamang ang dumating sa bansa. Inaasahan naman ang pagdating ng karagdagang dalawang milyon sa isang linggo.

Ani Cabotaje, posibleng darating ang natitirang 40 milyon na hiringgilya sa isang linggo.

Matatandaang noong Disyembre 2020, ibinunyag ni Locsin na mayroong 10 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang dapat sana’y ide-deliver sa Pilipinas sa Enero subalit mayroon umanong nagkamali.

Dumipensa naman si Health Secretary Francisco Duque III mula sa mga akusasyon na siya ang dahilan ng pagkawala ng Pfizer vaccines. RNT