Locsin sa pinag-aagawang teritoryo: What ours is ours!

Locsin sa pinag-aagawang teritoryo: What ours is ours!

August 6, 2020 @ 5:08 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iginiit ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ang West Philippine Sea ay pag-aari ng Pilipinas at walang karapatan ang China rito.

Ito ang naging pahayag ng kalihim makaraang pumayag ang China sa standing order ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagbabawal ng nasabing bansa sa Philippine Navy na sumama sa maritime drills sa pinag-aagawang teritoryo.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Locsin na sumusobra na si Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin sa dapat nitong ikilos sa simpleng utos na inilabas ng Pangulo.

“We’re sitting out this one, we don’t know if we will the next one. Okay?” ani Locsin.

“What is ours is ours under the Arbitral Award and no one else can tell us differently. Our relations have been going really well. Let’s keep it that way,” dagdag pa nito.

Matatandaang umabot na ng taon ang laban ng Pilipinas at China sa South China Sea kung saan binabatikos si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagwawalang bahala nito sa pag-angkin ng nasabing bansa.

Maging ang pag-amin ng Pangulo na hindi nito kaya ang China sa hangarin ng nasabing bansa na angkinin ang nasabing bahagi ng bansa. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...