Locsin sinigurong walang masasaktang Pinoy sa Ukraine

Locsin sinigurong walang masasaktang Pinoy sa Ukraine

February 16, 2022 @ 2:30 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na walang masasaktan na mga filipino na kasalukuyang nasa bansang Ukraine sa gitna ng pinangangambang Russian invasion ng dating Soviet republic.

“Rest assured Filipinos in Ukraine will come to no harm; I will be on top of it personally. I’m done in Cambodia in 2 days; then ASEAN-EU in Paris by 19th. That’s close enough to Ukraine to effect their safe passage out,” ang pahayag ni Locsin sa kanyang Twitter.

Si Locsin ay nasa Phnom Penh upang dumalo sa ASEAN Foreign Ministers’ Retreat.

Upang matiyak ang “safe passage” ng mga Filipino, sinabi ni Locsin na nakikipag-ugnayan siya sa ibang pamahalaan na mayroong common borders sa Ukraine.

“It will be a land journey to the closest border; I expect the Americans to keep watch as they did and more discreetly in Libyan evacuations and rescues. This is when we know who are our friends and who are just crybabies,” ayon sa Kalihim.

“There are about 140 to 350 Filipinos in capital Kyiv,” dagdag ni Locsin.

Araw ng Martes, sinabi ng grupo ng United Filipino Global-Ukraine na may ilang Filipino ang umalis ng Kyiv habang ang iba naman ay nag- avail ng free repatriation flights ng gobyerno.

Sa ulat, sinabi ng mga US officials na nagtipon ang Russia ng mahigit sa 130,000 sundalo sa Ukraine’s borders na magsisimulang bombahin ang malalaking lungsod sa bansa at bilang “defense positions with missiles” bago lumusob kasama ang kanilang tangke.

“Western leaders consider the Russian troop build-up to be the worst threat to the continent’s security since the Cold War, and have prepared a crippling package of economic sanctions in response to any attack on Ukraine — although Moscow has repeatedly said it has no such plans,” ayon pa rin sa ulat. Kris Jose