Logan Paul, nai-scam ng $3.5M!

Logan Paul, nai-scam ng $3.5M!

January 14, 2022 @ 6:47 PM 1 week ago


Hollywood, USA – Hindi lang pala sa Pinas nagkalat ang mga scammer kundi maging sa Amerika rin.

Of late ay nabiktima ng scammer ang YouTuber na si Logan Paul na naloko sa halagang $3.5 million.

Nasa content ng vlog ng controversial YouTuber kung paano siya gumastos ng halagang $3.5 million para sana sa isang set ng first edition ng Pokémon cards pero ang nakuha niya ay isang set ng G.I. Joe cards.

Nakita sa video kung paano in-unbox nina Paul at ni Bolillo Lajan San, isang card collector, ang shipment.

“Oh my God, bro.

“G.I. Joe? G.I. Joe? It could have been anything else,” sigaw ni Logan.

“This is the biggest fraud in the entire history of Pokémon,” sabi naman ng isang card inspector.

Sobrang na-frustrate si Paul sabay sabing: “I’m a super positive person, bro, and I’ll always be the one to look at the bright side, and I am trying, but this is very hard.

Sabi ng TMZ, ni-reimbursed ni Bolillo Lajan San kay Logan ang $3.5 million.

“However, we will see how quickly I am made whole from the sellers who brought it to me already authenticated in the coming days, or if it turns into a drawn-out scenario,” pahabol ni Logan.

Ang unboxing video ni Logan ay may 1.5 million views na ad of press time. Joey Sarmiento