Logistics officer, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem

Logistics officer, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem

August 9, 2018 @ 9:49 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Sampaguita Street Barangay Payatas A Quezon City, kagabi.

Nakilala ang 25-anyos na biktima na si John Aaron Reynera, isang logistics officer.

Ayon sa isang saksi, nakarinig siya ng dalawang putok ng baril at nakitang agad na tumakas ang mga suspek matapos gawin ang krimen.

Agad na nasawi ang biktima na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa mukha.

Ayon sa ina ng biktima, wala silang maisip na motibo ng pagpatay dahil mabait at wala umanong kaaway ang biktima.

“Napakabait po ng anak kong yan. Sobrang bait. Walang kaso yan. Walang kahit anong masasabi mong kaso,” sabi ng ina ng biktima.

Tumutugtog pa raw ito sa kanilang Christian Church. Remate News Team