Loisa at Ronnie, kiber lang sa mga puna sa kanilang PDA

Loisa at Ronnie, kiber lang sa mga puna sa kanilang PDA

July 7, 2018 @ 7:48 PM 4 years ago


‘Di raw apektado ang Kapamilya stars na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa mga puna sa kanila na sobra sila sa PDA o public display of affection. Kasi naman ay sa isang showbiz event na kanilang sinuportahan, holding hands to the max ang dalawa at ‘di itinatago ang pagtingin sa isat isa.

“Sa akin kasi, wala naman akong paki. Dahil ba porke artista kami hindi na kami puwede maging sweet? Eh ‘yung mga mag-jowa nga riyan sa paligid ko mas malala pa,eh,” pangangatwiran ni Loisa.

“Dahil siguro artista kami kaya ganun sila. Pero sa akin, hindi ako naapektuhan kasi para sa ‘kin normal na tao pa rin kami. Kung paaano man kami mag-lambingan, ‘yun ‘yung nararamdaman namin, eh,” giit pa n’ya.

Si Ronnie naman, naintindihan daw n’ya na dahil sa kanilang celebrity status kaya magnified ang lahat ng kanilang simpleng galaw.

“’Yun ang mahirap sa buhay namin e, hindi kami pwede kumilos ng kakaiba kasi ang daming husga ng tao. Pero siguro kung ano ‘yung nakikita nila sa aming dalawa, nasa kanila na ‘yun,” paliwanag ng miyembro ng Hashtag Boys ng It’s Showtime.

Samantala, nagbigay update din si Ronnie sa kanyang knee injury at ang chance na makakapaglaro siya sa Star Magic Games sa Agosto.

“‘Yung left na tuhod ko medyo gumaspang ng kaunti dahil naaksidente ako sa basketball na pinaglalaruan ko dati, ACL siya, may punit doon sa pinaka-support ng ligament cap ko. Tapos MCL ko, ‘yung side naman, so dalawa ‘yung injury ma hini-heal ko,” ani Ronnie.

“Ang tanong nila sa akin kung makakapaglaro ba ako sa August 19. Mayroon akong one and half months to prepare kung makakapaglaro ako roon. Try natin na makapaglaro ako,” ani Ronnie.

Dalangin ng fans ni Ronnie na maka-recover na ito para sa mas masayang basketball game ng Star Magic artist na inaabangan ng madla.

  • SHOWBYTES ni DANNY VIBAS