Loisa, nagsalita na sa isyung ‘one night stand’

Loisa, nagsalita na sa isyung ‘one night stand’

August 7, 2018 @ 7:21 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Binasag na ni Loisa Andalio kanyang katahimikan sa mga lumalabas na espekulasyon na siya raw ay may naka-‘one night stand’ na non-showbiz guy.

Paglilinaw ng 19-year-old na actress, hindi na lang niya ito pinapatulan dahil ayaw niya na itong bigyan pa ng pansin.

“Iyang pamba-bash sa akin, yung issue na di maganda, actually hindi naman ako gaanong naapektuhan.Kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi naman talaga totoo.”

“Ayokong mag-tweet na i-defend ang sarili ko na, ‘Ah, di po totoo yung one-night stand. Parang ayoko na kayong bigyan ng time, dahil hindi naman totoo.”

Lumutang ang espekulasyon nang magkaroon ng tila hindi pagkakaunawaan sina Loisa at ang kanyang onscreen partner na si Ronnie Alonte.

Dahil dito ay sunod-sunod ang pamba-bash at panghuhusga na inani ni Loisa.

“Alam naman nila kung gaano kaimportante sa akin si Ronnie, hindi ko naman magagawa yung ganung bagay,” depensa ng young actress.

“Ako naman siyempre, nasasaktan ako, grabe nila akong i-judge na hindi naman nila alam kung ano ang nangyari. Gumagawa na lang siguro ang mga bashers ko ng kuwento at ito na ang pinaniwalaan nila. Na-offend talaga ako sa ‘one-night stand’ na sinasabi nila, na hindi naman talaga totoo.”

Tulad ng sinabi ni Ronnie, kinumpirma ni Loisa na dumaan talaga sila sa maituturing niyang pinakamabigat na pagsubok na dumating sa kanilang relasyon.

“May pinagdaanan talaga, as in sobrang laki ng pinagdaanan namin.”

Pero kwento ni Loisa, agad din nila itong naayos nang minsan silang magkausap.

Dahil dito, marami ang natuwa at kinilig na mga LoiNie (Loisa at Ronnie) fans nang mapansin nila ang pagbabalik ng tamis sa tambalan ng mga idolo.

Pahayag ni Loisa tungkol dito, “Kahit ano pa ang mangyari, pag-ibig or kaligayahan talaga ang mananaig, yun ang mangingibabaw.” (Remate News Team)