Loisa, open sa live-in set-up!

Loisa, open sa live-in set-up!

June 1, 2022 @ 8:00 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Madalas maibato sa couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang issue na nagli-live in na sila.

Ilang ulit na rin itong kinokomento ng netizens sa mga public posts nila, at finally, after a long time, sinagot na ito ng dalawa.

Aminado si Loisa na nakararating sa kanya ang issue. Paliwanag naman nito, magkalapit kasi ang bahay nila ni Ronnie kaya naman everytime they need each other, hindi mahirap for them na magkita agad.

Posted ang pictures ng dalawa na madalas silang magkasama kaya naman hindi maiwasang isipin na nasa isang bubong na sila.

In short, denied ang live-in issue.

Simple lang naman ang dahilan ng aktres kung bakit never sila nag-explain about the said issue.

“As long as na alam ko naman na hindi, okay naman kami, hindi ko naman na pinapatulan,” saad nito.

Yes, they are not yet living together pero mukhang okay naman kay Loisa ang live-in set up base na rin sa statement niya.

“Puwede naman. Pero kasi depende, e, depende sa family mo kung paano ka pagkakatiwalaan and siyempre dapat alam mo rin ang priority mo na hindi mo pababayaan ang family mo. I think wala naman masama doon kasi ang dami rin namang mga magka-live in ngayon na nagtutulungan sila para mag-grow,” paliwanag nito. Paula Jonabelle Ignacio