Lokal na grupo, itinuturong sangkot sa Tacurong bus blast

Lokal na grupo, itinuturong sangkot sa Tacurong bus blast

November 7, 2022 @ 6:12 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na posibleng mga lokal na terrorist groups ang sangkot sa pagpapasabog sa isang bus sa Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Linggo, Nobyembre 6.

Ito ang sinabi ni PNP spokesperson PCol Jean Fajardo nitong Lunes, Nobyembre 7 kung saan dalawang grupo ang tinitingnan ng special investigation task group (SITG).

“The SITG, created for that purpose, is looking at least two groups operating in Mindanao area, particularly Cotabato and Sultan Kudarat. ‘Yun ngayon focus ng investigation,” ani Fajardo.

“Previous bombing incident recorded sa probinsyang yon na-identify na. Isang grupo particularly BIFF (Bangsamoro Islamic Freedom Fighters) ‘yung mga member doon ay involved sa mga previous bombing. They are still looking at this group na collaborated and conspired with this group,” dagdag pa niya.

Posibleng may kinalaman din ang pagpapasabog sa bus sa Koronadal, South Cotabato noong Mayo 26 sa nangyaring pagsabog kahapon.

Ani Fajardo, BIFF ang natukoy na sangkot sa pagpapasabog sa bus sa Koronadal, samantala tinitingnan din ang posibilidad na extortion ang motibo sa likod ng nangyaring insidente.

Ayon sa pamunuan ng sangkot na bus na Yellow Bus Line, noong nakaraang linggo pa ay nakatatanggap na ang kompanya ng banta kapalit ng pera mula sa mga posibleng sangkot ng pagpapasabog.

Ipinag-utos na ni PNP chief PGen Rodolfo Azurin Jr. ang lahat ng regional director sa buong bansa na paigtingin pa ang seguridad.

“Magkakaroon ng random checkpoints and border control para masiguro na yung magta-travel to and from respective regions and provinces ma-check mabuti. Yun ang hinihingi nating pag-unawa sa ating kababayan kung medyo maantala ang inyong biyahe, but the PNP is initiating police intervention to maintain security and safety of our kababayan na magbibiyahe,” ani Fajardo. RNT/JGC