Lola, alagang aso patay sa sunog sa Tondo

Lola, alagang aso patay sa sunog sa Tondo

November 13, 2022 @ 8:26 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kasamang nasawi ng isang lola ang kanyang alagang aso nang masunog ang kanilang bahay sa Gagalangin, Tondo ,Maynila madaling araw ng Sabado, Nobyembre 12.

Kinilala ang biktima na si Juanita Bitco, 79 anyos na nagbakasyon lamang sa kanilang mga anak.

Nagtamo naman ng paso sa katawan ang dalawa pa nitong anak na isinugod sa Tondo General Hospital at Jose Reyes Memorial Center.

Pasado alas-2 ng madaling araw nang magsimula ang sunog na nagsimula umano sa isang cellphone charger na pumutok habang nakasaksak.

Ayon kay Brgy. 128 Chairman Bobby Hernane, gawa sa light materials ang mga kabahayan kaya madaling kumalat ang apoy.

Inakyat sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fireout 4:05 na ng madaling araw.

Dito natagpuan ang biktima kasama ang kanyang aso na magkayakap.

Pansamantala namang nanunuluyan sa covered court ng barangay ang nasa 30 pamilyang apektado ng sunog. Jocelyn Tabangcura-Domenden