Lola buwal; 2 sanggol,42 pa sapul ng COVID sa Bulacan

Lola buwal; 2 sanggol,42 pa sapul ng COVID sa Bulacan

January 17, 2022 @ 1:03 PM 7 months ago


Bulacan-Patay ang isang 75 anyos na babae sa COVID-19 habang 45 indibiduwal ang naitalang tinamaan ng virus kabilang ang dalawang sanggol sa bayan ng Bulakan.

Sa update ng Municipal Health Office (MHO),bandang 7:00 pm nitong Enero 15,nakilala ang nasawing si COVID Patient no.2962 na isang senior citizen,may CO-Morbidity,asymptomatic at residente ng Brgy.Bagumbayan.

Nabatid na si Patient 2962 ay namatay noong Enero 11 habang na-swab at nakumpirmang positibo kinabukasan.

Nalamang tinamaan ang 45 indibiduwal na sina Patient 2959 hanggang kay Patient 3003 kabilang ang nasawi at ang dalawang babaeng sanggol na sina Patient 2978 na dalawang buwan pa lamang ng Brgy.Sta.ines at Patient 2985 na sampung buwan ng Brgy.Maysantol.

Patuloy na paalala ng mga kinauukulan,ugaliing magsuot ng face mask,maghugas ng kamay,magsanitize at panatiihin ang social distancing dahil sa banta at pagsirit ng virus. (Dick Mirasol III)