Lola kalaboso sa pagdukot sa 2 Shih Tzu

Lola kalaboso sa pagdukot sa 2 Shih Tzu

July 13, 2022 @ 8:47 AM 1 month ago


MANILA, Philippines0- Arestado ang isang 59-anyos na babae matapos na umano’y tangayin ang dalawang Shih Tzu sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong theft si Wilma Mendoza, ng Barangay Barangay Canumay West matapos na mahagip ng security cameras ang kanyang ginawang krimen noong Hulyo 10 sa Barangay Veinte Reales.

Ayon sa 34-anyos na may-ari ng mga aso na si Atty. Rafael Pangilinan, ng Valenzuela City Public Attorney’s Office, natuklasan niyang nawawala ang kanyang mga alaga pag-uwi niya galing sa trabaho.

“Nakalabas po ng gate namin kaya nagtanong-tanong po ako sa mga kapitbahay ko sa village at ni-report ko po sa Homeowners Association namin, sa aming barangay, at sa PCP-6. Nung nakita daw po nila [mga kapitbahay] na kinuha po nung babae [suspek] ‘yung mga aso ko, tinanong po nila kung kanino ‘yung mga aso kasi familiar nga daw po sa kanila. Tapos sinabi po niya na sa kanya daw po,” ani Pangilinan.

Agad umanong nagsagawa ng imbestigasyon ang mga pulis at sa tulong ng footage ng mga closed-circuit television (CCTV) cameras, natunton ng mga parak ang suspek at dinakip sa kanyang bahay sa Barangay Canumay West, ng lungsod at nabawi ang mga ninakaw na aso. Merly Iral