Lola, mag-ina inararo ng ‘walwal rider’ sa Bulacan

Lola, mag-ina inararo ng ‘walwal rider’ sa Bulacan

July 22, 2022 @ 2:50 PM 3 weeks ago


Bulacan- Kalunos-lunos ang sinapit ng 67-anyos na babae at mag-ina matapos masagasaan ng lasing at humaharurot na motorcycle rider sa bayan ng Plaridel.

Kinilala ang naarestong rider na si Jice Jice Bautista, welder, residente ng Brgy. Corozon, Calumpit.

Ang mga biktima ay sina Aling Nenita, Myline at ang kanyang anak na babaeng isang taong gulang, kapwa residente ng Brgy. Dampol, Plaridel.

Sa report, nangyari ang insidente bandang alas-5 ng hapon nitong Martes, Hulyo 19 sa Brgy. Dampol.

Ayon sa report nag-uusap si Aling Nenita at Myline habang buhat ang kanyang sanggol nang banggain sila ng matulin motorcycle rider.

Agad dinala sa Bulacan Medical Center, Malolos City ang mga biktima para sa paunang lunas habang nahuli naman ng Brgy. Tanod ang rider na isinuko naman sa pulisya kalaunan.

Nalamang nabalian ng buto sa kaliwang binti ang matanda habang may sugat ang ina sa likurang bahagi ng katawan, bali rin ang kanyang kanang binti at sumailalim naman sa CT scan ang sanggol.

Lumilitaw sa pagsusuri na nagpositibo sa alcoholic breath test ang suspek na nahaharap sa mga kaukulang kaso. Dick Mirasol III