Lola na nagdiwang ng ika-100 kaarawan niregaluhan ng Navotas LGU

Lola na nagdiwang ng ika-100 kaarawan niregaluhan ng Navotas LGU

March 1, 2022 @ 11:43 AM 4 months ago


BINISITA nina Navotas City Mayor Toby Tiangco, Congressman John Rey
Tiangco, at mga konsehal ng lungsod si Lola Beatriz Garcia upang
personal na iabot ang  P10,000 mula sa pamahalaang lungsod.


Makatatanggap din ng P100,000 mula naman sa Department of Social
Welfare and Development.

Si Congressman. John Rey ay may inihaing batas na nagtataas sa halaga
ng social pension ng mga senior at lahat na ng mga senior ay
mabibigyan, may pension man sila sa gobyerno o wala. Makatatanggap din
ng cash benefit ang mga senior na aabot ng 80, 85, 90, 95, at 100
taong gulang. JOJO RABULAN