Lola, nabundol ng dyip, sugatan

Lola, nabundol ng dyip, sugatan

August 4, 2018 @ 5:13 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Sugatan ang 66-anyos na lola nang mabangga ng isang pampasaherong jeep sa Quiapo, Maynila.

Inoobserbahan pa sa ospital ang biktima na si Corazon Yabut na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.

Naaresto naman ang drayber ng jeep na si Rolando Gonzales na umaming inantok dahil sa sobrang pagod kaya nawalan ito ng kontrol sa kanyang manibela dahilan para mabundol ang railings sa tulay ng Mc Arthur Bridge.

Sa kuha ng CCTV ng Barangay 306, makikitang tumatawid ang matanda sa paanan ng tulay sa may Hidalgo Street nang mabangga ng jeep.

Agad namang nasaklolohan ng ilang opisyal ng barangay na naka-duty sa lugar ang biktima nang mangyari ang insidente at dinala sa ospital.

Paalala naman ng Barangay sa publiko na tumawid sa tamang tawiran upang makaiwas sa anumang disgrasya dahil ikaapat na insidente na ito sa kanilang pagtala. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)