Lola nagbigti sa kanilang bahay sa Malabon

Lola nagbigti sa kanilang bahay sa Malabon

July 7, 2018 @ 1:28 PM 5 years ago


Malabon City – Nagpatiwakal sa pamagitan ng pagbigti sa sarili ang isang  senior citizen na babae sa loob ng kanilang bahay kaninang madaling araw sa Brgy. Tugatog, Malabon City

Kinalala ang biktima na si Lucila Generoso y Formento 76-anyos, dalaga, at residente ng Letter M. # 33, A. Bonifacio St., ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, pasado alas-12:45 ng kaninang hating gabi ng maganap ang insidnte sa loob ng bahay ng biktma sa nasabing lugar.

Base sa salasay ng saksing sina Geniroso Alabata 35, at ni Aaron Diaz 19,  pumunta sila sa bahay ng bikitma pero nakaarao ang pintuan kaya matagal nilang kinakatok ang pintuan, at tinawagan ang kanyang cellphone subalit hindi sumasagot.

Dahil dito humingi sila ng tulong sa kapitbahay at pwershan nilang binuksan ang pintuan at dito na nila natuklasan na wala nang buhay habang nakapulupot ang nylon cord sa leeg na nakatali sa kisame.

Agad na ipinalam ng mga saksi sa mga otoridad na agad ding pumunta sa nasabing lugar

Patuloy ang isinasagawang follow-up investigation ng mga awtoridad at inaalam kung may foul play sa insidente. (Roger Panizal)