Bida ng Katips, lalabas sa part 2 ng MiM!

August 17, 2022 @7:30 PM
Views:
73
Manila, Philippines- Disabled na ang comment box ng Instagram ni Jerome Ponce na hindi raw nagawang i-promote ang pinagbidahang movie na itinapat sa Maid in Malacanang, ang Katips. HIndi tuloy siya matanong ng mga followers kung totoo bang kasama siya sa cast ng second installment  ng Maid in Malacanang.
Ang maganda pa ay si Jerome daw ang gaganap sa character na young Ninoy Aquino.
Ipinost  kasi ni Direk Darryl Yap ang larawan ni Jerome sa Facebook account  niya at may caption na, “MiM Flashback. Young fellow,” na kung saan nakasalamin pa si Jerome.
Nasabi kasi ni Direk Darryl noon na ipo-post niya ang larawan ng actor na gaganap sa role ni Ninoy kung tatanggapin ang project. So, nangangahulugan na pasok na si Jerome.
Dahil dito, lalo tuloy maba-bash si Jerome dahil hindi lang basta pinanood niya ang Maid in Malacanang na katapat ng movie niyang Katips, kundi makakasama pa siya sa cast ng MiM.
Tiyak na tuloy ang sagutan online nina Direk Darryl  at Director ng Katips na si Vice Tanada.
Ang latest nga ay hinamon ni Direk Darryl si Direk Vince na ilabas ang totoong box office gross ng Katips, na hindi pa sinasagot ni Direk Vince.
“For the sake of honesty and  for  your  cause to fight disinformation. I  challenge Vince Tanada to disclose  the real  numbers  of  his  films gross. Explain why you  joked  about  P41.8M for your  opening  day and why you  enjoy  the fake news of  P198M as your  total gross  to date.
“Together, we must  fight  the bigger  enemy Mr. Tanada. This and all for the  sake of  Philippine movie industry  and  our  responsibility to  the Bureau of Internal Revenue Philippines.” Gerry Ocampo
Lolong, niresbakan si Darna!

August 17, 2022 @7:20 PM
Views:
64
Manila, Philippines – Pukpukan nga ang pagtatapat sa primetime block ng mga programa ng GMA at ABS-CBN.
Nag-pilot episode na ang Darna tampok si Jane de Leon na gumaganap sa iconic role.
Tatlong taon din ang inabot bago umere ang serye, na sumailalim sa mga pagbabago tulad ng kung sino na ang magbibigay-buhay sa karakter na likha ni Mars Ravelo at kung sino ang magdidirihe nito.
Tinapatan ng Darna ang Lolong sa GMA kung saan bida si Ruru Madrid.
Bilang paghahanda nga sa salpukan, nu’ng August 15 Monday episode ng Lolong ay maraming ipinakilalang bagong tauhan sa kuwento.
Kabilang dito sina Alma Concepcion, Vin Abrenica at Thea Tolentino na may mahahalagang papel sa serye.
Alma last appeared in GMA’s False Positive, habang may serye rin sa GMA ang nilabasan ni Thea.
Inaasahang lalong iigting ang kumpetisyon sa pagitan ng dalawang magkatapat na programa.
Tulad ng inaasahan, mas lumamang sa ratings ang Lolong as opposed to Darna na hati-hati ang mga viewers dahil sa platforms na pinagpapalabasan nito.
Ang pagkakaroon na nito ng following ang dahilan ng pagkaungos nito, idagdag pa ang kakaiba nitong kuwento. Ronnie Carrasco III
Derek, nagkaroon ng reyalisasyon, nag-semi- retire sa showbiz!

August 17, 2022 @7:10 PM
Views:
46
Manila, Philippines – Semi- retired na si Derek Ramsay, ayon mismo sa kanya.
Diretsahang sinabi ng Filipino-British actor na nagkaroon daw siya ng maraming realization sa buhay nang manalasa ang pandemya.
Ang pinakamahalaga raw ay ang pagmamahal sa pamilya.
Kabilang dito ang misis na si Ellen Adarna at ang anak nito kay John Lloyd Cruz na si Elias.
Hindi binanggit ni Derek ang biological son niyang si Austin from a previous relationship.
“I just love to bond with them,” paliwanag niya.
With his semi-retirement, nais niyang bigyang daan ang showbiz career ng nakababatang kapatid na si Andrew.
Bida si Andrew sa Cinemalaya 2022 entry na Ginhawa.
Pero paglilinaw ni Derek, hindi naman daw niya tuluyang tatalikuran ang showbiz.
“‘Pag may nabasa akong script na bubuhay sa dugo ko, why not?” aniya.
Kung matatandaan, naging isyu ang pag-ayaw ni Derek na magtrabaho kung saan sinabi ng dating kaibigang si John Estrada na, “Mayaman kasi siya!”
Pero ang totoo’y umiiwas lang daw si Derek na mahawahan ng COVID-19 lalo’t may edad na raw ang kanyang mga magulang.
Funny, he still contracted the disease at sabay pa sila ni Ellen! Ronnie Carrasco III
23K pulis itatalaga sa pagbubukas ng SY 2022-2023 – PNP

August 17, 2022 @7:00 PM
Views:
59
MANILA, Philippines- Inilahad ng Philippine National Police nitong Miyerkules na halos 23,000 personnel ang itatalaga sa mga paaralan at police desks para sa ligtas na pagbabalik ng mga estudyante sa mga paaralan sa susunod na linggo.
“We will be deploying more or less 23,000 PNP personnel na ipapakalat natin nationwide particularly dyan sa mga premises po ng eskwelahan,” sabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa isang public briefing.
Bukod sa mga paaralan, tatao rin ang mga pulis sa police assistance desks kung saan pwedeng mag-ulat ang mga magulang at estudyante ng security concerns.
Inanunsyo ng PNP nitong Martes na nai-forward na nito ang Ligtas Balik-Eskwela SY 2022-2023 operational guidelines ar procedures sa lahat ng units.
Kabilang sa mga alituntunin ang pinaigting na law enforcement activities sa learning institutions, transportation hubs at places of convergence upang maiwasan ang mga krimen.
Base sa PNP, magtatalaga rin ng COVID-19 patrol officers upang ipatupad ang minimum public health standards.
Makikipagpulong naman ang unit commanders sa school authorities at parents and teachers associations upang magigay ng public safety services gaya ng illegal drugs prevention, education at iba pang anti-criminality programs.
Magsasagawa rin ng mobile at foot patrols sa kahabaan ng major routes at highways patungo sa mga paaralan.
Makikipag-ugnayan naman ang kapulisan sa local government units ukol sa mahigpit na implementasyon ng zoning ordinancesna nagbabawal sa video game shops, billiard establishments, at iba pang games at recreation malapit sa mga paaralan, partikular na sa university belt sa Manila.
Nakatakdang umarangkada ang klase sa Agosto 22. RNT/SA
DBM: Panukalang P5.268T 2023 budget plantsado na

August 17, 2022 @6:48 PM
Views:
54