Lola natusta sa sunog

Lola natusta sa sunog

November 27, 2022 @ 4:38 PM 2 months ago


CALBIGA, Samar – Natusta ng buhay na isang lola matapos tupukin ng apoy ang kanilang bahay noong Huwebes sa probinsyang ito.

Kinilala ang biktimang si Cristina C. Jabien, 91, at residente sa Barangay Karunungan, Jiabong.

Batay sa report ng Jiabong Bureau of Fire Protection, bandang 12:00 PM nagsimula ang sunog sa bahay ng biktima sa naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakita na lamang ng kasambahay ng biktima na si Jessica Abalos na nagliliyab ang kuwarto ni Jabien.

Agad naman humingi ng tulong si Abalos at tinawag niya ang anak ni Jabien subalit hindi na nila nagawa pang mailabas ng silid ang matanda dahil sa lakas ng apoy.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng pamatay-sunog tuluyan naapula ang apoy dakong 3:00 PM at nakita na lamang ang sunog na bangkay ng biktima habang dalawang kabahayan pa ang tuluyan nasunog at tatlong kabahayan ang partially.

Umabot naman sa P5,160,000 ang halaga ng mga ari-arian tinupok ng apoy.

Inaalam na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. Mary Anne Sapico