Lola, tigil-labada, nagtulak ng droga para sa 6 apo, arestado!

Lola, tigil-labada, nagtulak ng droga para sa 6 apo, arestado!

August 10, 2018 @ 7:22 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Swak sa kulungan ang isang lola at 13 pang indibidwal sa ikinasang buy-bust operation sa Malate, Maynila.

Ayon sa 68-anyos na lola, nagtutulak siya ng droga para may ipangkain sa kaniyang 6 na apo. Dagdag pa niya, tumigil siya sa paglalabada dahil mas malaki ang kita sa pagtutulak.

Tatlong magkakasunod na operasyon ang ikinasa ng Station Drug Enforcement Team ng Malate Police Station kung saan sentro nito ang F. Munoz, Zobel, at P. Ocampo Street.

Ayon kay Senior Insp. John Lobaton, hepe ng Drug Enforcement Team ng Malate, may mga concerned citizen na nagre-report sa kanila tungkol sa mga iligal na gawain.

Habang 13 pang indibidwal ang naaresto sa operasyon kung saan mariin nilang itinanggi na sila ay pusher. Ayon pa sa kanila, pagbaba pa lamang nila ng jeep, hinuli na agad sila ng mga operatiba.

Patuloy naman na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis sa mga nahuli at kung kasama ba ang mga ito sa drug watchlist.

Nakuhaan ang mga suspek ng mahigit sa 20 sachet ng hinihinalang shabu.

Haharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous ang mga nahuli. Remate News Team