Lola tigok sa king cobra sa Cotabato

Lola tigok sa king cobra sa Cotabato

November 6, 2022 @ 9:37 AM 1 month ago


COTABATO- Patay sa tuklaw ng king cobra ang 60-anyos na lola sa President Roxas.

Kinilala sa ulat ng Public Affairs Exclusives ang biktimang si Merlyn Apistar Baylon.

Saad ng kaibigan ng biktima na nanghiram lang umano ang biktima ng lighter para makapagluto nang sumigaw na ito at nagpasaklolo dahil kinagat umano siya ng ahas.

Agad umanong sinugod si Baylon sa isang mananandok pero na-comatose ang ginang kaya dinala na siya sa ospital.

Kalaunan, pumanaw si Lola Merlyn, habang patay patay din ang ahas na nakatuklaw sa kaniya.

Sinasabing pugad umano ng king cobra ang isang coconut farm sa lugar. Dagdag-takot naman sa mga residente dahil wala pang anti-venom na nagagawa laban sa gita nito.

Kayang pumatay ng tao ang kamandag ng king cobra sa loob lamang ng isang minuto, at ang king cobra rin ang pinakamahabang venomous snake sa buong mundo. RNT