Lola todas sa motorsiklo

Lola todas sa motorsiklo

November 23, 2022 @ 2:02 PM 2 weeks ago


ILOCOS SUR-Tigok ang isang 76-anyos na lola matapos na aksidenteng mabangga ng motorsiklo sa national highway sa Brgy. Gabur Sur, Sta. Cruz, Ilocos Sur kagabi, Nobyembre 22.

Kinilala ng Sta. Cruz Municipal Police Station ang biktima na si Corazon Villanueva y Fajarillo, may asawa, residente ng naturang lugar.

Nakilala naman ang driver ng kulay itim na Honda TMX 125 motorcycle na si Rolando Laungayan y Pangilinan, 40, may asawa, construction worker, residente ng Brgy. Abuor, Narvacan, Ilocos Sur.

Bumibiyahe umano ang motorsiklo papuntang hilagang direksyon nang tumawid sa kalsada ang biktima galing ng kanluran papuntang silangan.

Dahil dito, nabangga ng motorsiklo ang biktima na nagtamo ng fatal injury sa kanyang ulo at kanang paa.

Agad na dinala si Villanueva sa Ilocos Sur District Hospital sa Bio, Tagudin, Ilocos Sur pero idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Maging ang driver ng motorsiklo ay nagtamo rin ng mga gasgas o sugat sa naturang insidente. Rolando S. Gamoso