Lolang binaril ng lasing na pulis, nakaburol na; Eleazar nakiramay

Lolang binaril ng lasing na pulis, nakaburol na; Eleazar nakiramay

June 3, 2021 @ 8:35 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Nailagak na ang labi ni Lilibeth Valdez sa Good Shepherd Cathedral sa Quezon City.

Magugunitang pumanaw si Valdez, 52-anyos nang barilin ni Police Master Sgt. Hensie Zinampan sa Barangay Greater Fairview, Quezon City, Lunes ng gabi.

 

Sa ulat, kuntento na ang pamilya ng biktima sa nakamit na hustisya.

Ayon sa anak ng biktima na si Christian, masaya silang napakulong si Zinampan at hawak na ng korte ang kaso.

“Korte na po ang may hawak sa kanya.”

Sa ngayon ay wala pang anunsyo ang pamilya kung saan at kailan ililibing si Lilibeth.

Bumisita naman sa burol si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na nangako ng hustisya para sa biktima. RNT/FGDC