Lolit, bet ipa-cremate ng buhay ang aso, na-bash!

Lolit, bet ipa-cremate ng buhay ang aso, na-bash!

August 12, 2022 @ 1:39 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Maraming hindi natuwa sa pahayag ni Lolit Solis tungkol sa sakaling pagkamatay nito.

“‘Pag nauna ako sa favorite dog ko, isama siya sa akin sa cremation ko,” saad ni Lolit na umani ng kaliwa’t kanang batikos hanggang sa kasalukuyan.

Sabi pa, ipa-sleep na lang (o ipa-euthanasia) at isama sa kanya sa pag-cremate.

Paliwanag pa niya, matanda na rin naman si Jokjok (pangalan ng aso niya), pwede na silang magsama sa kabilang buhay.

Hindi ito ikinatuwa ng netizens lalo’t anila, hindi dapat putulin ang buhay ng aso dahil lang namatay ang amo kahit pa matanda na ito.

Bukod dito, ibinato rin ng mga tao sa comments section ang Animal Welfare Act of 1998.

“Republic Act 8485 o Animal Welfare Act of 1998. Pakakasuhan mo ba ang tao na Susunog ng buhay sa Asong yan? Huwag ka nang mandamay sa Kamangmangan mo,” saad ng netizen na si Ip Man.

Animal cruelty ang daing ng netizens pero as of press writing wala pa namang sagot si Lolit tungkol dito.

Samantala, base sa Instagram post ni Solis, she is currently sick and undergoing dialysis.

β€œAlam mo ba Salve na hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na may sakit ako. Nagpi-pretend nga ako na parang wala lang, pero kung minsan nadi-depress ako.

β€œHindi ko na magawa ang usual na ginagawa ko, naiba na rin ang sked ko dahil sa dialysis,” saad ng host sa isang post.

Maraming naimbyerna but still, get well Manay Lolit para naman hindi madamay yung aso! Joke ng ilang netizens. Paula Jonabelle Ignacio