Lolit, may babala, hihilahin ang mga paa ng umapi!

Lolit, may babala, hihilahin ang mga paa ng umapi!

October 22, 2022 @ 7:45 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Matindi pala ang epekto kay Lolit Solis ng mga ganap sa kanyang professional life: she’s admittedly wallowing in self-pity.

Aniya, “Cancelled na nga ako, expelled pa!”

Ang “cancelled” na tinutukoy ng embattled talent manager ay pagbabalik-tanaw sa hindi niya pagiging imbitado sa presscon ni Bea Alonzo noong nakaraang March.

Ang “expelled” naman ay ang verdict o desisyon ng kinabibilangang samahan ng mga talent manager (ang PAMI) na itiwalag siya bilang miyembro nitong October 18.

Himutok ni Lolit, dahil daw sa pagiging cancelled at expelled niya’y pakiramdam niya ay useless siya.

Hindi na raw kasi siya maiimbitahan sa mga presscon ng mga alaga ng mga kaalitang kapwa manager.

Sa muling pagkakataon ay iginiit ni Lolit na labis siyang nagtataka kung bakit bully ang paratang sa kanya, to think na she’s already 76 at may sakit pa.

Ewan kung pabiro pero dahil nga useless ang pakiramdam niya kung kaya’t balak niyang ipa-handle na lang kina Shirley Kuan, Dolor Guevarra at June Rufino ang mga alaga niya.

At tila in keeping with the Halloween tradition, sinabi pa ni Lolit na kapag dead na raw siya ay hihilahin niya ang mga paa ng mga taong umaapi sa kanya.

Intended as a joke, mukhang hindi na papatulan ito ng kampo ni Bea.

After all, Bea’s manager Shirley already said a mouthful.

What for, ‘di ba? Ronnie Carrasco III