Lolit, may payo sa ‘pamimirata’ ni Kuya Wil at ng Villar group!

Lolit, may payo sa ‘pamimirata’ ni Kuya Wil at ng Villar group!

February 19, 2022 @ 1:00 PM 4 months ago


Manila, Philippines – May two cents’ worth na ibinahagi si Lolit Solis kaugnay ng balitang pamimirata ni dating Senator Manny Villar para maging bahagi ng kanyang Advanced Media Broadcasting Systems.

Na-acquire kamakailan lang ng mga Villar ang dalawag frequency ng ABS-CBN.

Doon balitang lilipat si Willie Revillame at ang kanyang programang Wowowin (na nag-last telecast nitong Biyernes) mula sa GMA.

Kasunod nito’y ang tsikang “panliligaw” umano ni Willie sa mga kaibigang Aga Muhlach at John Estrada na umanib sa ABMS.

Ayon kay Lolit, granting na totoo raw ito’y hindi ito magandang imahe both for Willie and Manny Villar.

Dapat daw ay confidential ang mga ganitong transaksyon, that even Aga and John should be silent about.

Ang pamimirata ay isang bagay raw na hindi ipinagmamakaingay.

Kauna-unawa naman ang ginagawang depensa ni Lolit sa mga Villar na close sa kanya.

Pero paano kaya kung may mga alaga ring artista si Lolit na gustong i-pirate ng ABMS, makuha rin kaya niyang isikreto ‘yon? Ronnie Carrasco III