Lolit, tinawag na bobita si Ella!

Lolit, tinawag na bobita si Ella!

July 7, 2022 @ 3:39 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Hindi pa rin tapos ang pamamayagpag (in a negative way) ng pangalan ni Ella Cruz.

This time, nakatikim ito ng masasakit at maaanghang na salita mula sa batikang entertainment columnist na si Lolit Solis.

“Bilib ako sa utak niya. Imagine mo isa siyang walang kakwenta-kwentang starlet na ngayon pinag-uusapan na.

“Hindi mo akalain may isa pa lang bobita, ganito kabobong tao,” saad ni Lolit na matawa-tawa pa.

Libo-libong netizens na ang naabot ng nasabing video na all over the social media world na ngayon.

Common comment ng netizens, “In fairness, ngayon lang ako lubusang sumang-ayon kay Lolit Solis!”

Naging katatawanan talaga si Ella sa pahayag niyang “History is like tsismis”, gayunpaman marami pa ring nagmalasakit sa actress/dancer by educating her sa comments section, constructively. Paula Jonabelle Ignacio