Lolit, tsinugi sa PAMI!

Lolit, tsinugi sa PAMI!

October 19, 2022 @ 12:00 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Expelled na si Lolit Solis sa PAMI!

Ang PAMI ay Professional Artist Managers, Inc. na samahang kinabibilangan din ng kaalitang si Shirley Kuan na namamahala sa career ni Bea Alonzo.

Ang pagkaka-expel ni Lolit sa nasabing grupo ay ibinalita niya mismo sa Instagram nu’ng October 18, Martes.

Aniya, nalulungkot daw siya sa naging desisyon ng pangulo nito na si June Rufino.

Pero tanggap daw ni Lolit ang expulsion sa kanya.

At least daw ay alam niyang may ginawa siyang kasalanan at hindi tinanggal dahil bully siya.

Taliwas ito sa paglalarawan ni Shirley na sa exclusive interview ng PEP ay paulit-ulit niyang tinatawag na bully ang kapwa manager.

Hinangaan din ni Lolit si June sa pagiging matapang sa pagkakaroon ng stand.

Dagdag ni Lolit, siguro naman daw ay hindi na magre-resign ang ibang mga miyembro ng PAMI following her expulsion.

Bago rito, nagbitiw si Shirley bilang kasapi ng grupo.

Anito sa ipinadalang message sa fellow member na si Dolor Guevarra para ipost sa kanilang Viber group: “It is evident to me why the PAMI is silent on the bullying made by another member. Its silence is tantamount to supporting bullying and bullies. I resign.”

Consistent naman si Lolit sa pagtanggi na isa siyang bully dahil ang totoo raw, it’s the other way around.

“Porke ba matanda na ako at may sakit kaya inaapi nila ako?” ang laging linya ni Lolit.

Ang “nila” na tinutukoy niya ay sina Shirley at Dolor. Ronnie Carrasco III